Philippines

Sue bobongga sa TV5

How true na isa sa mga bobongga ang career sa TV5 ay ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez?

Tsika ng aming source, dahil balitang magiging blocktimer sa Singko ang dating Congressman ng Negros Occidental na si Albee Benitez, sigurado raw na kasama sa mga ipo-produce na shows nito ang tisay na aktres.

Ang konek? Nobya kasi si Sue ng binatang anak ni Cong. Albee na si Javi Benitez kaya sure daw na magkaka-work si Sue sa TV5.

Magkasama ang mag-sweetheart na sina Sue at Javi sa isang action movie na pinrodyus ng mayamang mambabatas.

Produced din ni Cong. Albee ang fantasy movie na “Magikland” na isa sa mga unang napiling entries sa MMFF 2020 sa Disyembre.

Balitang halos P100M ang budget ng nasabing pelikula na ang nasa likod ay ang sikat na tandem nina Direk Peque Gallaga at Lore Reyes.

Galit kay Revilla ikinatuwa ang virus

Maraming napanatag nang malamang okey ang lagay ni Senator Bong Revilla matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Hindi kailangang i-confine ni Sen. Bong at need niya lang mag-self quarantine.

Nakakalungkot lang na may mga taong tila ikinatuwa pa ang nangyari sa actor-politician at ginagawa pa nila itong joke sa social media.

May isang aktor tuloy na nag-post na kung may galit man daw sa senador ay huwag ika-happy na nagkaroon ito ng virus.

“How would you feel if someone was happy your father or brother got COVID?!” tanong ng concerned na aktor.

Tama! PAK!!

Gameboys may pasabog

Tiyak na matutuwa ang avid fans ng first ever Pinoy BL (Boys’ Love) series na “Gameboys” dahil ilalabas na sa market ang first official merchandise nito.

Kung hindi magkakaaberya ay ngayong araw na ito (August 11, Martes) ang release nito sa market.

Sa chikahan namin via Facebook Messenger with Direk Perci Intalan na executive producer ng “Gameboys,” exclusive niyang ni-reveal sa amin kung ano ang unang merch na ilalabas nila.

“‘Gameboys’ Dogtags!” masayang bulalas ni Direk Perci, na sinisigurong matutuwa dito ang loyal fans ng “Gameboys” not just here in the Philippines but also abroad.

Puwede rin daw itong tawaging CaiReel dogtags, base sa pinagsamang pangalan ng mga bidang karakter na sina Cairo at Gavreel na ginagampanan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos, respectively.

Ani Direk Perci, ito ang pinili nila dahil bagay sa characters at tipong isusuot talaga nu’ng dalawa.

Pinadalhan kami ni Direk Perci ng sample photos ng “Gameboys” silver dogtags with ballchain. Nu’ng ipakita niya raw ito sa mga artista niya ay hindi na ibinalik sa kanya dahil sobrang nagandahan dito.

“Ang cool kasi talaga. Kahit ako, gusto kong isuot. Ang saya nito ‘pag lumabas!” excited pang sey ng premyadong direktor at producer.

Tie-up ito o collab with Silverworks. Kaibigan pala kasi ni Direk Perci ang may-ari nito.

Bale tatlo ang versions ng nasabing dogtags. Isang may picture ni Elijah na may nakasulat sa likod na ‘Baby ni Gav’ (at “Gameboys” logo), isang may pic ni Kokoy na may nakasulat sa likod na ‘Cairo’s Angel’ (at “Gameboys” logo), at isang may double tags in one necklace o pinagsama ang CaiReel.

Ang maganda pa ay puwede ring mag-customize ang Silverworks, sabi ni Direk Perci. Puwede mong palagyan ng mukha mo o ng mukha ng jowa mo ang nasabing dogtags.

Actually, kung matalas ang mga mata ng netizens ay mapapansin nila ang nasabing dogtag na suot ni Kokoy sa artcard ng #AskKokoy Twitter party ng binata nu’ng August 4.

Ready na ang international distribution ng “Gameboys” dogtags. 30% kasi ng fans ng show ay nasa labas ng ‘Pinas, sey ni Direk Perci.

Sa mga nag-aalalang baka mahirapan silang makabili nito dahil MECQ pa ngayon, puwede itong ma-order online sa website ng Silverworks at available din ito maging sa Lazada at Shopee.

After ng dogtags ay magkakaroon din ng “Gameboys” bracelets at iba pang official merch.

Napansin namin ‘yung “Gameboys” face mask na suot nina Elijah, Kokoy, Adrianna So (gumaganap bilang Pearl) at Kyle Velino (gumaganap na Terrence) sa BTS pic nilang apat nu’ng taping ng episode 10 sa Ortigas Center.

Binanggit namin ‘yon kay Direk Perci at kinumpirma niyang ilalabas din nila soon ang nasabing face mask na may “Gameboys” logo.

Inaayos lang daw nila ang international distribution nito. Gawa ni Avel Bacudio ang “Gameboys” face mask.

Dahil sa MECQ ay naapektuhan ang shoot ng hit Pinoy BL series, na may tatlo pang additional eps.

Dalawang Biyernes na walang “Gameboys.” Sa August 21 pa mapapanood sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company ang inaabangang 11th episode nito.

Football news:

Chelsea midfielder Loftus-cheek is wanted by West ham, Southampton and Aston Villa
Khimki want to sign Mirzov, Djordjevic and Grigalava (RB-Sport)
Barcelona will issue a transfer for desta for 20+5 million euros at the beginning of next week
Nigmatullin about Mandzukic's transfer to Loko: if it had happened 5 years ago, I would have treated it well. They often come to us to finish playing
Petr Cech on Mendy: A versatile goalkeeper. Should increase competition at Chelsea
Bayern Munich V care Cuisance. The midfielder claimed Leeds and Marseille
Lyon can buy A package from Milan if they sell Rennes-Adelaide to Rennes