Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sumpa ng korona? Beatrice inakusahang nangaliwa

Sangkot sa isang love triangle ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez.

Ayon sa isang post ng isang netizen na nagngangalang “Johnny Batumbakal”, may ka-affair diumano si Gomez sa isang lalake na ang pangalan ay John Odin at kinakaliwa raw nito ang kanyang girlfriend of seven years na si Kate Jagdon.

Sa Facebook account ng Iloilo Metropolitan Times, ito ang naka-post:

“MISS UNIVERSE THIRD PARTY?

“A certain Johnny Batumbakal posted some photos and screenshots on social media, claiming the alleged third party issue involving Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez. #IMTNEWS.”

Nag-post daw si Beatrice sa kanyang Instagram na may ka-holding hands siya. Obvious daw na hindi kamay ni Kate iyon dahil kamay ng lalake at may tattoo pa. Pero bigla na raw itong na-delete na.

Sey ng ilang netizen na baka tumalab na raw ang sumpa ng MUP crown sa lovelife ng winner nito. Kung matatandaan, noong manalo si Rabiya Mateo last year, proud ito sa kanyang boyfriend na si Neil Salvacion. Pero pagkaraan ng ilang buwan ay bigla silang naghiwalay.

Noong sumali sa MUP si Beatrice, naging public ang relasyon nila ni Kate. Ikinatuwa ito ng LGBT community dahil hindi tinago ni Beatrice ang kanyang relasyon sa kapwa babae.

Ang tanong ngayon ay kung may relasyon pa ba sina Beatrice at Kate? O baka lalake na ang bagong karelasyon ni Beatrice? (Ruel Mendoza)