Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Tindero sa kariton level up na ang negosyo

Nag-level up na ang negosyo ng dating tindero sa kariton.

Si Mark Anthony Palmario ay dating naglalako ng mga prutas gamit ang kariton. Pero dahil seasonal o hindi all year round ang kanyang tinitinda ay dagdag pasanin ito dahil hindi rin ganun kalakihan ang kita nito sa isang taon.

Nang mabahagian ito ng Lokal na pamahalaan ng Antipolo City ng mga NegoKart o Negosyo sa Kariton ay natulungan itong maiangat ang kanyang buhay.

“Hindi lang basta Negokart, may kasama pa po itong mga gamit pangluto tulad ng kawali, sandok, super kalan, gasulito, sticks, mantika, tongs, siomai/fishball sticks at plates, mga paninda tulad ng hotdogs, cheesedogs, french fries, fishballs, squid balls, kikiam, kwek-kwek gayundin ang ingredients,” lahad ni Mayor Andres “Andeng” Ynares.

Kamakailan ay binisita mismo ng alkalde ang benepisyaryong si Palmario sa kanyang bahay sa Zone 10, Brgy. San Roque.

“Kumpletos recados na ang mga kailangan ni Tatay upang mapalago pa niya ang kaniyang pangunahing pinagkakakitaan. Sipag at tiyaga na lang ang kailangan at maiaahon din niya sa kahirapan ang kanyang pamilya,” dagdag pa ng alkalde.

Katuwang ng City Government ng Antipolo City ang Department of Labor and Employment sa nasabing proyekto.

Layon anila itong makadagdag sa mga kumikita sa bansa kung saan target nito ang marginalized at vulnerable sector o pinakamahirap sa bansa.