Philippines

Tips kapag dapa gulong

Oo, maraming magagaling magmaneho.

Pero marami ring magagaling magmaneho na ang unang gagawin ay hahagilapin ang celfone na parang natataranta kapag naflatan (lang) ng gulong.

Tawag dito, tawag doon, papara ng ibang motorista o kaya naman ay makikiusap sa mga dumadaaan na tulungan silang palitan ang dumapa na goma.

Exempted po muna sa usaping ito ang mga lady driver pero may mga nakikita po akong mga babae na nakakapagpalit din ng gulong kahit na hindi na sila humingi ng tulong sa mga kalalakihan.

At bilang refresher course, narito po ang ilang basic tips sa pagpalit ng naflat na gulong sa mga situwasyong walang makakatulong sa inyo.

1. Kabisaduhin ang tools compartment ng sasakyan para madaling mahanap ang mga gamit na kailangan. Maaring magkaiba ang lalagyan ng jack at ibang mga tools kaya parehong dapat na sanayin ang sarili sa kinalalagyan ng mga ito.

2. Gamit ang tire wrench, luwagan muna ang turnilyo ng gulong na papalitan bago iangat.

3. Bago iangat ang bahagi ng sasakyan na kinalalagyan ng gulong na papalitan, siguraduhing naka-handbrake at nakalagay sa park ang kambyo kung automatic. Kung maaari ay i-off din muna ang makina at pababain mga sakay.
4. Mas magandang nakakalso rin ang isa o dalawang gulong lalo na kung hindi masyadong patag ang lugar na kinaroroonan.

5. Tanggalin ang reserba. Pinakamadaling tanggalin ay ang mga nasa sedan at hatchback dahil kadalasang nasa ilalim lamang ang mga ito ng baggage compartment, samantalang ang mga crossover SUV, SUV at mga van ay nasa ilalim sa likod ang nakalagay kaya kailangan na gumamit ng special tools na karaniwang kasama din naman sa mga nakalagay sa mga ito.

6. Posibleng magkaiba ang sukat ng reserba at papalitan lalo na sa mga nag-upgrade na ng mags kaya kailangang idaan sa pinakamalapit na vulcanizing shop o tire shop ang sasakyan at maibalik ang naflat na gulong upang bumalanse ang takbo. Ganito rin ang dapat gawin sa mga reserbang donut kung tawagin.

7. Siguraduhing solid ang pagpapatungan ng jack upang maging matatag ito at hindi na magdulot pa ng karagdagang problema.

8. Kapag naikabit na ang reserba, huwag munang masyadong hihigpitan ang mga turnilyo ng gulong at unahing mai-depress ang jack at tanggalin. Kapag natanggal na ay higpitan na ang mga turnilyo sa direksiyong unahin ang magkaharap upang maayos ang lapat sa stud bago tanggalin ang lahat ng kalso na ikinalang sa mga gulong.

9. Sa unang takbo, pakiramdaman kung walang nabago sa lapat ng mga gulong sa kalsada, kung walang nabago sa hatak ng sasakyan at kung hindi kumakabig. Kapag may nadaanang gasolinahan, ipabalanse muna ang tire pressure ng apat na gulong bago tumuloy sa pupuntahan.

Oh diba ang hirap maflat-an?

Ingat po tayo lagi sa kalye lalo na ngayong tag-ulan.

Football news:

Julen Lopetegui: Neuer is an incredible goalscorer. Sevilla didn't use their chances
You should see Goretzky's goal again. Muller's goal and levandowski's discount - the magic of mutual understanding 🤝
Ivan Rakitic: We saw how important Neuer is for Bayern
Mueller - the best player of the match for the UEFA super Cup between Bayern Munich and Sevilla
Sevilla have five defeats in matches for the European super Cup. This is an anti-record
Bayern won 4 trophies in a year. To repeat Barca's record, you need to take two more
Stefano Pioli: we Must pay tribute to Çalhanoğlu. He can become a key player in Milan