Philippines

Transaksyon sa Paranaque gov’t, cashless na

Magkatuwang ang Paranaque City government at mobile wallet platform na PayMaya sa pagkakaloob ng serbisyo publiko partikular sa digital payment solution bilang bahagi ng umiiral na ‘new normal’ dulot ng pandemya.

Pormal na nilagdaan ni Mayor Edwin Olivarez at mga opisyal ng PayMaya ang memorandum of agreement na sumasaklaw sa halos lahat ng local government transaction at public service sa lungsod.

“We are proud to be pioneering e-government services in the city as part of our strategic initiatives in this community quarantine amid coronavirus pandemic,” sabi ni Olivarez sa ginanap na virtual signing ceremony.

Ayon kay Olivarez, nais niyang magpatuloy ang momentum o maayos na daloy ng mga transaksyon sa lokal na pamahalaan gamit ang makabagong teknolohiya upang higit na maka-adopt sa makabagong normal dulot ng COVID 19.
Mabilis na nakasabay ang panahalaang lungsod ng Paranaque sa pagpapatupad ng mga online service upang maiwasan ang physical contact sa mga transaksyon nang sa gayon ay maging ligtas sa pagkahawa ng sakit ang mamamayan.

Sa pamamagitan ng PayMaya, maari nang magbayad online ng anumang local government service gaya ng traffic violation fees, real property and business tax, health, at iba pang bayarin sa gobyerno, ayon pa kay Melanie Soriano-Malaya, hepe ng Business Permit and Licensing Office.

Gamit ang web browser o mobile-based application, magiging mabilis ang transaksyon sa lokal na gobyerno nang hindi na kailangang pumunta sa munisipyo.

” The city government is continuously improving various online government programs to provide responsive and customer-focused services while ensuring continuity of local economic activities by partnering with established financial service providers (FSP), “ayon kay Malaya.

” This is an opportune time as we undertake inclusive and sustainable digital local government as part of our strategy to defeat COVID-19,”dagdag pa nito.

Samantala, sinabi ni PayMaya CEO and founder Orlando Vea na napapanahon ang nasabing hakbang. “We are here to provide innovative solutions to LGUs who wish to level-up their services to the public and we are proud to be working with Paranaque City,” lahad pa nito.

Football news:

Gnabry scored the fastest goal in 18 years in the opening match of the Bundesliga
Manchester United have agreed a 5-year contract with Telles. It remains to be agreed with Porto
Sane made his debut for Bayern
Ronaldo posted a photo with the award for the best scorer from IFFHS: Happy to win 🇵 🇹 🇮 🇹 😀 💪 🏼
Godin will terminate his contract with Inter and move to Cagliari (Fabrizio Romano)
Wolverhampton made red and green uniforms to make the 12 Portuguese players at the club feel good. New level of care 🔴 🟢
Jose Mourinho: I have too many players at Tottenham. I don't like it