Philippines

US, China nagpormahan sa West PH Sea

Nirorondahan ngayon ng mga barkong pang-digma ng United States of America ang mga isla na inokupa ng Peoples Republic of China sa South China at West Philippine sea.

Naglalayag malapit sa West Philippine Sea ang USS Theodore Roosevelt strike group kasama ang 7th Fleet command ship at USS Blue Ridge para magsagawa ng freedom of navigation operation.

Mahigit sa 20 barkong pang-digma ng US ang rumuronda sa mga isla na inokupa ng China simula pa noong Marso.

Iniulat ng Pentagon na may siyam na insidente ng “unsafe encounter” ang ini-report ng kanilang tropa sa South China Sea

Ayon kay Deputy Assistant Secretary of Defense for Southeast Asia Reed Werner, nagkaroon ng pangha-haraas ang mga Chinese fighter jet sa isang US aircraft na lumilipad malapit sa isang isla na inokupa ng China.

Tinangka rin daw salpukin ng Chinese aircraft-carrier ang US Navy guided-missile destroyer na USS Mustin na nagsasagawa ng freedom of navigation malapit sa Philippine Sea.

Sinabi ni Pentagon Spokesman for Asia Lt. Col. Dave Eastburn na nakababahala na ang tumataas na “opportunistic activity” ng China para i-bully ang mga bansang tunay na nagmamay-ari ng mga isla na kinamkam nito.

Kasama sa nirorondahan ng mga US Naval ship na bahagi ng freedom of navigation ang Spratly Island at Taiwan Strait, Malaysia, Vietnam at Indonesia.

Nagpapatrolya rin sa rehiyon ang dalawang US Air Force Bomber

Natakda na rin rumonda sa South China Sea ang pitong US attack submarine para bantayan ang mahit sa 20 barkong pandigma ng Estados Unidos na ngayon ay nasa South China Sea.(Dave Llavanes Jr.)

Football news:

In Moscow, they will only allow running in a mask. This is harmful, it is better not to run at all
That little guy with the beard of a jihadist does not deserve to stay in the Real world. Spanish journalist about ISCO
Arsenal-2003/04, Manchester City-2017/18 and Atletico-2013/14 are among the best teams that did not win the Champions League (Football365)
Merson on the crisis because of a virus: Now the coaches will have to train. Clubs will no longer be able to pay 70-80 million for players
Inter Sports Director: We are not going to sell Lautaro. Barcelona knows our intentions very well
Manchester United continue to monitor Werner. The club believes that he will choose Liverpool
🦅 We study the flights of goalkeepers: it does not hurt to fall even on the asphalt, they lose up to 4 kg during training, and the technique of Ter Stegen is beyond the limit (we can do this with pesyakov)