Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

VisMin dinale ng baha, landslide

MULING binaha ang ilang lugar sa Cebu Province at Davao City Martes ng gabi dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Libo-libo namang residente ang inilikas nang abutin ng baha ang kanilang mga bahay.

Sa Cebu Province, nasa 200 residente ng Barangay Poblacion sa Sogod ang na-evacuate sa isang simbahan dahil sa hanggang leeg na lalim ng tubig.

Naitala rin ang ilang insidente ng landslide sa Sogod, ayon sa municipal disaster risk reduction management office.

Nawalan rin ng kuryente at nasa 1,000 na residente ang apektado ng ulan at baha.

Sa Aklan, bumigat ang trapiko sa Makato nang bahain ang mga kalsada. Habang sa Madalag, inabot na ng malakas na ulan at baha ang ibang residente na naglinis ng mga puntod ng mga yumaong mahal sa buhay.

Nasa 100 pamilya ang inilikas sa gymnasium nang umapaw ang Talomo River sa Davao City.

Madaling araw naman kahapon nang magbalikan ang mga tao sa kanilang bahay nang humupa na ang baha. (Kiko Cueto)