Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Westbrook pasiklab talbog sa Thunder

Walang LeBron James sa lineup, nag-collapse sa second half ang Lakers at tumukod sa Oklahoma City 123-115 sa 2021-22 NBA regular season game sa Chesapeake Energy Arena Miyerkoles ng gabi.

Sa pangalawang gabi ng back-to-back games, ipinahinga ni James ang injury (sore right ankle) na nakuha sa 125-121 overtime win ng Los Angeles sa San Antonio.

Bumalik ng Oklahoma City para mambarako ng triple-double na 20 points, 14 rebounds at 13 assists si Russell Westbrook pero hindi naisalba ang Lakers.

SM food to go Banner Ad

Pagkatapos dominahin ang first quarter 41-19, nagmukhang mapapadali ang panalo ng LA.

Pero humarabas ang Thunder pagbalik mula sa break, ang dating winless sa apat na laro naman ang umiskor ng 41 sa third. Binaliktad ng OKC ang 72-56 halftime deficit tungo sa 97-95 lead nang pumasok ang bumandang 3-pointer ni Shai Gilgeous-Alexander sa buzzer.

Kumikikig pa ang Lakers sa fourth, nakapuwersa ng ilang turnovers pero airball naman ang 3-point attempts nina Malik Monk at Carmelo Anthony. (Vladi Eduarte)