Philippines

1 pa lang nakaaway sa 8 taon Fajardo ‘di basagulero

Sa walong seasons ni June Mar Fajardo sa PBA, isang pagkakataon pa lang ang natatandaan niyang nag-retaliate siya sa mga pisikalan.

Nangyari ‘yun noong 2014 sa Game 2 ng Philippine Cup semifinals.

Tahimik ang Cebuano, patingin-tingin lang. Hindi sumasali sa mga gulo at kaldagan. Kaibigan siya ng lahat sa court – patunay ang dalawang Samboy Lim Sportsmanship award na tinanggap niya.

Kanino nga siya napikon?

“’Yung sa teammate mo,” nangingiting sagot ni June Mar nang pilitin ni Beau Belga sa Extra Rice podcast. “Si Larry Rodriguez.”

Nasa Rain or Shine pa noon si Rodriguez.

Habang pumupuwesto sa ilalim ang San Miguel Beer center, binigyan siya ni Rodriguez ng kaldag sa likod ng leeg.

Halatang hindi nagustuhan ng 6-foot-10 big man ang nangyari, sinalya niya si Rodriguez. Naawat ang dalawa at parehong nabigyan ng technical.

Bawal daw mapikon sa laro si June Mar, focus lang siya sa game.

“Nanonood mama ko, ayaw niya ng ganu’n (away sa court),” anang gentle giant.

Pero kung may isang nakakasindak kay June Mar?

“Ikaw,” turo ni Fajardo sa kaibigan niyang si Belga. “Sobrang nakaka-intimidate ka eh. Ang bigat mo!” (Vladi Eduarte)

Football news:

Zinchenko and Bernardo Silva will not play against Wolves due to muscle injuries
Racism doesn't stand a chance. Milan against discrimination
Puig does not want to leave Barca and will fight for a place in the squad. Koeman advised him to go on loan
PSG can sign Khedira from Juventus
Ruediger may leave Chelsea. He wants to play regularly before the Euro
Tiago Silva: I am motivated by the chance to play at the 2022 world Cup. I will be about 38, I want to be fit
Arsenal announced the transfer of goalkeeper Runarsson from Dijon