Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

3 adik na bagets, pinakulong ng erpat

ISINURENDER ng kanilang mga guardian ang tatlong menor de edad dahil sa pag-iingat ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Carmona City, Cavite Huwebes ng hapon.

Nasa kustodiya na ng Carmona City Welfare Development (CSWD) ang mga menor de edad na nasa edad 14 at 16.

Sa ulat, natuklasan ng magulang ng 14-anyos ang pag-iingat nila ng anim na piraso na plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Dahil dito, binitbit ng ama ang kanyang anak at dalawang kasamahan nito, dinala sa Carmona City Police Station at in-turn over sa CSWD ala-1:00 kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ama ng bata, ayaw niyang tuluyang mapariwara sa droga ang anak kaya tinuruan na niya ng leksyon. (Gene Adsuara)