Philippines

3 big time tulak timbog sa P71M shabu

Umabot sa mahigit P71 milyong shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency sa magkasunod at magkahiwalay na buy-bust operations sa Las Piñas City at sa Maynila nitong Sabado ng hapon at Linggo ng umaga.

Unang bumagsak sa kamay ng PDEA ang dalawang lalaking itinuturing na high volume drug distributors at nakumpiskahan ng 10 kilo ng shabu sa magkasunod na buy-bust operations sa Las Piñas City, Sabado ng hapon.

Sa report, unang naaresto ang suspek na si Jealal Shaikalabi Mimbalawag, 23, ng Quiapo, Manila, dakong alas-5:00 ng hapon. Siya ay nakumpiskahan ng 5 kilo ng shabu sa C5 Extension, Brgy. Manuyo I, Las Piñas City.

Limang kilo rin ng shabu ang nakumpiska sa isang follow-up operation sa Countryhomes, Woodsrow-1, Talon Dos, Las Piñas City, sa naarestong suspek na si Arabilla Leono, 29.

Ayon sa mga awtoridad, ang kabuuang 10 kilong shabu ay pawang nakatago sa mga Chinese-labeled tea packs, at nagkakahalaga ng P68 milyon.

Bukod dito, nakumpiska rin ang buy-bust money na ginamit sa operasyon at sasakyang ginamit ng mga suspek.

Sumunod namang nadakma ang isang hinihinalang bigtime drug pusher sa harapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Maynila, Linggo ng umaga.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang naaresto na si Musa Nasrudin Baguilan.

Sa inisyal na report ng PDEA RO IV-A, ika-11:45 ng umaga nang ikasa ang buy-bust sa Magallanes Drive, Intramuros. Isang ahente ang tumayong buyer nang magkaabutan ay dinakma ang suspek.

Nakumpiska mula kay Baguilan ang kalahating kilo ng shabu na may halagang P3,400,000 gayundin ang buy-bust money. (Dolly Cabreza)

Football news:

Neville about Manchester United: I would not like to be a defender of a team that has Ronaldo, Pogba, Bruno, Sancho and Greenwood on the field
Barcelona wants to sign Vlahovic from Fiorentina if they don't buy Holand (Gerard Romero)
Manchester United's new crisis: they lose even with Ronaldo, Pogba blames the defense, Sulscher admits mistakes
Brentford coach: Chelsea are very lucky. We dominated the last 30 minutes. He has 5 strokes!
Tuchel about 1-0 with Brentford: Chelsea were strong in the first 70 minutes and lucky in the last 20
Ronaldo has no effective actions in three consecutive Premier League games. Today he struck 3 shots, gave 31 passes and was offside 3 times
Why is Mehndi not nominated for the Golden Ball? Rüdiger about the goalkeeper's game with Brentford