Philippines

39 pulis, 2 hepe sinibak sa pagkamatay ng 15-anyos sa Ilocos Sur

Sinipa sa puwesto ang lahat ng tauhan ng Cabugao at San Juan Municipal Police Stations kaugnay sa pagkamatay ng 15-anyos na dalagita sa Cabugao, Ilocos Sur.

Kabilang sa sinibak ang mga chief of police ng Cabugao at San Juan Municipal Police Stations, kung saan dalawang tauhan nito ang inireklamo ng sexual assault at murder sa 15-anyos na babae.

Ayon kay Brig. Gen. Rodolfo Azurin, director ng Police Regional Office 1, nakapaghain na sila ng dalawang counts ng rape laban sa mga sangkot na pulis, at murder.

Sasampahan din ng obstruction of justice sina Capt. Ramil Llarenas, Police Staff Sgt. Merly Joy Pascua at Barangay Captain Ricardo Quilala dahil sa kabiguang sundin ang normal procedure sa paghawak ng mga sex assault-related offense.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinamahan ng kanyang tiyuhin ang 15-anyos na biktima para maghain ng reklamong rape laban kina Police Staff Sgts. Marawi Torda at Randy Ramos.

Ini-report ng biktima na hinuli siya kasama ang kanyang 18-anyos na pinsan dahil sa paglabag sa curfew sa San Juan pero imbes dalhin sila sa barangay ay diniretso sila ng mga pulis sa isang lugar kung saan sila pinagsamantalahan.

Nag-request ang biktima at tiyuhin niya ng police escort matapos magsampa ng reklamo pero sinigawan lang umano sila ni Pascua, na naka-assign sa Women and Children Protection Desk ng Cabugao Police Station.

Habang papauwi ay itinumba ang dalagita ng riding in tandem. (IS)

Football news:

Lautaro Martinez: we will Continue to do everything possible for Inter
Albert Ferrer: Barca need to become independent of Messi. Others should play more
Conte on rumors about Juve: I will sue whoever wrote this, as well as the editor-in-chief of this newspaper
Aubameyang on the failure of the FA Cup: That's how we do it
Manchester City remain Interested in Coulibaly and Pau Torres, despite ake's transfer from Bournemouth
Up to 10 players will leave Chelsea this summer. Among them are Kante, Kepa and Marcos Alonso
Sancho has agreed a 5-year contract with Manchester United. The clubs are at an advanced stage of negotiations