Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

4 timbog sa bentahan ng GCash account

Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) ang apat na indibiduwal dahil sa illegal na pagbebenta ng GCash account online sa serye ng operasyon sa Bulacan, Pasay at Maynila.

Kinilala ng NBI-CCD, ang naarestong sina Raul Malabon, Jerrica Sarmiento, Matthew Daniel Torres at Alexis Alviento.

Isinagawa ng NBI-CCD ang serye ng operasyon matapos nakatanggap ng impormasyon na ilang indibidwal ang sangkot sa bentahan ng GCash account sa Facebook.

Noong Mayo 22, 2023, nagpunta ang mga ahente sa San Jose Del Monte, Bulacan at naaresto si Malabon sa likod ng FB account na Principe Larjay at si Sarmiento na nasa likod naman ng “Jerrica Sarmiento.”

Noong Mayo 23, 2023, naaresto naman sa Pasay City si Torres bilang “Francis Lucas” at si Alviento sa likod ng “Sixela Alviento.” (Juliet de Loza-Cudia)