Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

999 Shopping Mall ni-raid sa mga pekeng paninda

Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga tindahan na nagbebenta ng mga pekeng massage rub sa loob ng 999 Shopping Mall sa Divisoria.

Ikinasa ang NBI raid matapos na magpasaklolo sa ahensya ang kompanya ng Creations Spa Essentials na distributor ng mga massage rub dahil sa naglipanang mga pekeng produkto nito.

Ayon kay Atty. Kookie Inciso, abogado ng Creations, apektado ang negosyo ng kompanya sa pagkalat ng mga pekeng massage rub na ibinebenta sa naturang mall bukod pa sa delikado ito sa mga gumagamit nito.

“The locally produced massage rub can only be bought from legitimate stores to ensure you are not buying fake merchandise that could be harmful,” pahayag ng abogado sa panayam ng online news site Politiko.

Ilang tindahan sa loob ng 999 mall sa Divisoria ang sinalakay ng mga ahente ng NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division (AOTCD) kung saan libu-libong pekeng Creation massage rub ang nasamsam.

Ayon kay NBI-AOTCD chief Jerome Bomediano, sasampahan ng kaso ang mga naarestong seller dahil sa paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines at sa Cybercrime Prevention Act.

Aniya, kailangan nilang aksyunan kaagad ang mga ganitong reklamo, partikular sa mga pekeng produkto na maaaring makapinsala sa mga gumagamit nito.

“Apart from it’s unfair to people who poured time and money to develop the product, the fake merchandise which did not go through inspection of regulating agency could also be harmful to its users,” ayon kay Bomediano said.

Mayroon na aniyang report na ilan sa mga bumili at gumamit ng mga pekeng produkto nito ay nakaranas ng tila pagkasunog at pangangati ng kanilang balat.

Samantala, pinayuhan naman ni Atty. Inciso ang publiko na bumili lamang ng mga ganitong produkto mula sa mga lehitimong seller at suriin muna ng mabuti kung totoo ang binibiling massage rub.

“The original does not smell of wax, has a pleasing scent and it’s effective in alleviating muscle pain and cramps, it’s non-sticky and non-greasy,” payo ng abogado.

Dagdag pa niya na ang mga massage rub na gawang Pinoy ay unang ginamit sa maliliit na spa service sa Maynila.

“Seeing the growth of the industry through the years, we’ve expanded into becoming a manufacturing business for spa and home care products,” ayon kay Inciso.