Magiging tatay uli ang 83 years old Hollywood actor na si Al Pacino sa 29-year-old girlfriend-producer niyang si Noor Alfallah.
Bale ikaapat na anak ito ni Pacino .
Nagsimulang mag-date umano ang dalawa mula pa noong pandemya, ayon sa ilang showbiz sites.
Si Noor, ay napabalitang dati nang nakipag-date sa Rolling Stones front man na si Mick Jagger ng mahigit isang taon.
Nu’ng 2018 naman hanggang 2019 ay namataan ding madalas silang magkasama ng actor-director na si Clint Eastwood.
Samantala, si Pacino ay mayroong tatlong anak mula sa kanyang nakaraang relasyon — sina Julie Pacino, Anton Pacino, at Olivia Pacino.
(Beth Gelena)