Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Alden ‘di napipikon sa ‘gender’ issue

Ayaw nang pilitin pa ni Alden Richards na magkaroon ng girlfriend. He’s 31 now and for how many years ay wala siyang ini-introduce na dyowa sa publiko. Minsan nga ay pag-iisipan mo na baka naman naglilihim lang siya at itinatago ang talagang girlfriend.

“Wala talaga,” sey ni Alden sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz para sa vlog nito.

“Hindi po sa hindi priority kaya lang, siyempre po, ‘yung mga dinaanan ko po (in the) past, mga nakaraan. Pero hinanap ko, ginusto ko siya (ang magkaroon ng girlfriend). Kaya lang, mas parang hindi nagwo-work.

“Parang pag pinipilit ko, for some reason, one way or another, nagkakaroon ng casualty,” sey ni Alden.

Dagdag pa niya, “One way or another, meron at merong nagiging issue. Ang akin naman po do’n, siguro, na-realize ko po na the more siyang pinipilit, the more siyang nawawala.

“Parang buhangin po, eh. The more kang kumakapit sa buhangin, lalong kumakawala sa kamay mo.

“Pero of course, nasa plano ko po ang magkaroon ng pamilya.”

Inamin ng aktor na gustong-gusto rin niyang magkaroon ng mga anak. Pero hindi raw puwedeng anak lang at walang asawa.

“Ay, gusto ko po, may asawa. Mahirap pong maging single parent. Saka ayoko pong i-deprive ‘yung anak ko na lalaki lang siya na tatay lang ‘yung kilala niya. Gusto ko, buo ‘yung family,” sabi ng aktor.

Ayon pa kay Alden, ang gusto raw niya, pagdating niya ng 35 years old ay may asawa na siya. Kaya mayroon pa siyang 4 years para maghanap ng future wife.

Aware naman si Alden na dahil nga matagal na siyang walang girlfriend, nagkakaroon ng issue tungkol sa kanyang gender. When asked kung hindi ba siya napipikon, aniya ay nasanay na raw siya.

“Nasanay na lang din po ako. Kasi siguro, it’s really how I see myself. Kilala ko po ang sarili ko, kilala po ako no’ng mga tao sa paligid ko, matagal ko na po silang kasama.

“Ayoko naman po na para lang tumahimik ‘yung issue na ‘yon is gagamit po ako ng ibang tao para lang matapalan ‘yung issue. Kasi kawawa naman ‘yung tao. So, hindi po ako gano’n,” paliwanag ni Alden.

Hindi raw niya pinapatulan ang gender issue dahil wala raw siyang kailangang patunayan.

“Hindi ko po siya ina-address kasi feeling ko, wala naman po akong kailangang patunayan sa part na ‘yon. Mas okey na po na okey lang, ituloy lang nila, sanay naman na po ako diyan. Pero parang ako po, to myself, alam ko kung saan ako papunta,” he said.

Twelve years na raw ‘yang issue na ‘yan tungkol sa kanyang gender na hindi na raw mamatay-matay.