Philippines

Alden, Nadine movie iboboykot ng mga fan

Hindi pa man, may intriga na agad kung totoo ngang after na magsama sa endorsement nina Alden Richards at Nadine Lustre ay pelikula naman ang susunod na pagsasamahan ng dalawa.

Marami raw kasi ang umaayaw o tumatanggi na makipagpareha si Alden kay Nadine. At hindi pa man, may nagsasabi na agad na kesyo ‘wag daw itong tatanggapin ni Alden.

Ang tanong, bakit naman hindi?

Isa si Nadine sa mahusay na batang aktres ngayon. Kung pagkilala bilang isang Best Actress, ‘di ba nga’t sinasabing lamang na si Nadine sa mga kasabayan niya?

So, sana nga, makagawa silang dalawa ng movie na drama talaga ang tema o kung pwede, mala-Relasyon nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Binasa namin ang ilan sa mga comments, mukhang may tama naman ang comment ng isang netizen na mga “delulu fans” lang yung ayaw. Marami rin naman ang nae-excite makita if ever sina Nadine at Alden in a movie. But since may pandemic pa rin, mukhang kung may plano man, matatagalan pa ito.

Sa ngayon, napapanood muli si Alden sa afternoon prime ng GMA-7 dahil sa pagpapalabas muli ng One True Love nila ni Louise delos Reyes.

Mariel kinababaliwan pa rin ni Robin

Puring-puri ni Robin Padilla ang kanyang Misis na si Mariel Rodriguez. Birthday ni Mariel ngayong Lunes, August 11 at sa caption ni Robin, nabanggit nito na isang dekada na rin sila.

Akalain mo yun, nang maging mag-sweetheart ang dalawa at magkaroon ng anak, may mga nanghula at nag-predict na agad na hindi magtatagal ang mga ito. Na katulad ng past relationships ni Robin, maghihiwalay rin at posibleng magkaroon pa ng iba si Binoe.

Pero heto, may dalawang anak na babae na sila at base sa pagbati ni Robin kay Mariel, tila in-love na in-love pa rin ito kay Mariel.

Sey niya, “Maligayang araw ng kapanganakan sa iyo my babe.
Isang taon na naman ang nakalipas at ang lahat ay nagsasabi na isang dekada kana sa akin pero ako lang ang hindi nakapansin ng haba ng ating pagsasama sa iyong itsura sapagkat magmula nong una natin na pagkikita hanggang sa oras na ito ay 26 pa rin ang tingin ko sa iyo. Walang nagbago kundi lalo pang gumanda dahil kumikinang ka sa iyong pagiging mabuting asawa at ina.”

Ciara presidente ng mga pole dancer

Ang daming nag-congratulate at achievement naman ngang matatawag na tahimik lang, pero sa loob daw ng dalawang taon ay pinagta-trabahuhan ni Ciara Sotto na mabuo ang PPASA (Philippine Pole & Aerial Sports Association).

Si Ciara mismo ang founder at President ng PPASA. Walang-duda naman na simula nang makahiligan nito ang pole dancing, naging malaking bahagi na ng buhay niya ang pole. Na hindi na kami magugulat kung sakali at papiliin siguro siya between acting, singing and pole, ang huli na ang pipiliin niya.

Ayon kay Ciara, “I’m very honoured to present to you, the Philippine Pole & Aerial Sports Association (PPASA). As the Founder and President of the PPASA, I have been working on this for more than 2 years. I am very grateful to the Philippine Olympic Committee for finally recognizing us. This is such a great blessing from God and a very big milestone for the Pole and Aerial community in the Philippines. Hopefully, we will also be appreciated not just by our country but by the whole world.”

Football news:

Maguire scored the 2nd goal for Manchester United in the Premier League and the first since February
Tonali passes poorly, fails in defense and loses the competition in Milan, and Pirlo calls him perfect and puts him above himself
Edouard Mendy: I am Chelsea's first African goalkeeper. It's a big responsibility
Marcelo will not play Betis due to back discomfort
We want to make sports shopping better. Become a part of our research focus group!
Claudio Bravo: In Barca and Manchester City, the goalkeeper should be a Central defender
Barca were offered Cavani and Dzeko. The club rejected them