Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Bagsak-presyo ng LPG higit P6 per kilogram

Malaking bawas-presyo sa liquefied petroleum gas ang pasalubong ng mga kompanya ng langis sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.

Sa kanilang advisory, inanunsyo ng Petron ang pagpapatupad nito ng P6.20 per kilogram na bawas-presyo sa kanilang LPG.

Nasa P6.18 per kilogram naman ang tapyas-presyo ng Solane-branded LPG habang P6.10 per kilogram sa Super LPG ng Phoenix.

Samantala, magpapatupad din ng bawas-presyo ang Petron at Phoenix sa kanilang auto LPG na aabot ng P3.47 kada litro.

Epektibo ang tapyas-presyo sa mga naturang produktong petrolyo nitong Huwebes, Hunyo 1.

Paliwanag ng mga kompanya na batay ito sa international contract price ng LPG ngayong Hunyo.

(Catherine Reyes)