Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Beal, Wizards ginapos Celtics

NAUNGUSAN nina Bradley Beal at ng Washington Wizards ang Boston Celtics, 116-107, sa 2021-2022 NBA regular season game upang masungkit ang kanilang ikatlong panalo Huwebes (Manila time).

Katuwang ni Beal para sa Wizards sina Montrezl Harrell na kumana ng double-double 25 points at 11 rebounds, maging su Spencer Dinwiddie na umiskor ng 22 points at tigatlong rebounds at assists.

Hawak ang kalamangan papasok sa third quarter, 52-62, nabura ang bentahe ng Wizards sa isang puntos, 86-87, sa pagtatapos ng nasabing yugto.

Hindi naman nagpasindak ang koponan kontra Celtics sa fourth frame upang makuha ang 3-1 win-loss card.

Nag-ambag sa panalo ng Wizards si Beal ng double-double 17 markers at 10 rebounds habang kumubra si Kyle Kuzma ng 12 points at walong rebounds.

Sunod na makakalaban ng Wizards ang Atlanta Hawks, Biyernes, alas-7 ng umaga, oras sa Pilipinas. (Janiel Abby Toralba)