Philippines

Black eye hindi ininda : Lee kumahig sa Magnolia

Hindi ininda ni Paul John Lee ang tinamong black eye mula sa aksidenteng banggaan sa second quarter kay Andrei Caracut upang makipagsabwatan kay Ian Sangalang na bitbitin ang Magnolia Pambansang Manok sa pagsungkit ng importanteng 81-70 panalo kontra Rain Or Shine sa kanilang 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup best-of-three quarterfinals semi-bubble sa Don Honoroio Ventur State University Gym sa Bacolor, Pampanga Linggo ng hapon.

Nagtala si Lee ng 20 points, 4 rebounds at 3 assists habang ang tinanghal na Best Player of the Game na si Sangalang nagbakas ng 19 markers at 13 boards para itulak ang seeded no. 3 na Hotshots sa isang panalo na lang upang makausad sa semifinals.

Nag-ambag din sina Rome Dela Rosa at Jiovanni Jalalon ng tig-10 puntos para sa Magnolia at inilagay ang Elasto Painters sa alanganing sitwasyon. Kailangang makahirit ng dalawang panalo sa knockout game para masingitan ang Magnolia.

Itinala ng Magnolia ang malaking 13 puntos na abante sa pagbuhos ng 10 sunod na puntos sa papataos na minuto ng third sa 60-47.

Binitbit naman ng RoS ang pinakamalaking kalamangang limang puntos sa pagtatapos ng first half sa 42-37 saka naghabol sa final half.

Si rookie Leonardo Santillan ang namuno sa opensiba ng pintura sa 17 pts. May 16 si ReyNambatac at 11 si Javee Mocon.

Ang iskor:

First Game

Magnolia 81 – Lee 20, Sangalang 19, Dela Rosa 10, Jalalon 10, Abueva 8, Barroca 8, Corpuz 4, Pascual 2, Ahanmisi 0, Dionisio 0, Reavis 0.

Rain or Shine 70 – Santillan 17, Nambatac 16, Mocon 11, Belga 8, Borboran 5, Ponferada 3, Caracut 3, Norwood 3. Yap 2, Torres 2, Asisitio 0, Wong 0. (Angelito Oredo)

Football news:

Neville about Manchester United: I would not like to be a defender of a team that has Ronaldo, Pogba, Bruno, Sancho and Greenwood on the field
Barcelona wants to sign Vlahovic from Fiorentina if they don't buy Holand (Gerard Romero)
Manchester United's new crisis: they lose even with Ronaldo, Pogba blames the defense, Sulscher admits mistakes
Brentford coach: Chelsea are very lucky. We dominated the last 30 minutes. He has 5 strokes!
Tuchel about 1-0 with Brentford: Chelsea were strong in the first 70 minutes and lucky in the last 20
Ronaldo has no effective actions in three consecutive Premier League games. Today he struck 3 shots, gave 31 passes and was offside 3 times
Why is Mehndi not nominated for the Golden Ball? Rüdiger about the goalkeeper's game with Brentford