Philippines

Bong hirap huminga sa video

NI: ROLDAN CASTRO

Makikita sa video post na hirap huminga si Senator Bong Revilla.

Mag-isang naka-isolate ito sa isang kuwarto. Mahirap daw ang kundisyon pero lalaban siya.

“Hirap pala nito, walang makatulong sa ‘yo, bagsak ka. Pero ganunpaman, eto, lalaban po ako. COVID lang ito, kailangang labanan natin ‘to,” sambit niya.

Ayaw naman niyang mahawa ang pamilya niya kaya mag-isa niyang gagamutin ang COVID at aalagaan ang sarili.

Sa ngayon ay umiinom raw siya ng antibiotic at Vitamin C.

Grabe raw ang naramdaman niya. Nandoon ‘yung masakit ang ulo, nilalagnat giniginaw , Kapag inuubo raw siya ay masakit din sa ulo.

Ibinahagi rin ng actor-politician na ang unang sintomas na naramdaman niya na namumula raw ang kanyang mga mata’t inakala pa niyang sore eyes o allergy.

Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng ophthalmologist na posibleng COVID-19 iyon. Dahil dito, agad siya nagpa-swab test at nag-isolate.

Ayon pa kay Senator Bong bagamat negative naman ang asawa niyang si Lani Mercado at mga anak niya, may isa siyang tauhan na nag-positive rin.

Aniya pa: “Pero sabi nga, eh, if it’s your time, it’s your time. Pag tinawag ka na ng Panginoon, time to go, you go. So, I prayed last night, bago ako matulog. Sabi ko nga, ‘Lord, total surrender ako sa iyo, ever since. Kayo na po ang bahala sa akin. Alam kong hindi Ninyo ako pababayaan.”

“Dasal, I need prayers sa inyong lahat po. Mga kababayan, ipagdasal n’yo na lang po ako at ang aking pamilya,” pakiusap pa niya.

Football news:

Former Italy striker Pazzini is Interested in Spezia. He is 36
Cherevchenko about Khimki: we will work both tactically and physically. Need to tighten up the team
Milan have agreed a transfer of the forward Bude-Glimt Hauge for 5 million euros. He scored them in the Europa League
Juventus offers Khedira 3 million euros for breaking the contract. The German demands 6 million
Tottenham are ready to sell Voigt for 10 million euros and increase the offer for Skrinjar to 45 million
Bellerin on 1:3 with Liverpool: Arsenal could have drawn or won
Klopp on the leadership of Leicester, Liverpool and Everton after 3 rounds: who cares who is in the lead now? This is just the beginning