Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Caloy may insentibo sa Kongreso – Mikee

SINISIGURO ng mga kongresista na may matatanggap na insentibo ang gymnastics superstar na si Caloy Yulo sa pag-uwi nito sa bansa.

“We have a congratulatory incentive awaiting our first Filipino two-time world gymnastics champion, Carlos Edriel Yulo, for his homecoming after his competitions, post-championships, and training in Japan,” ayon kay Deputy Speaker Rep. Mikee L. Romero.

Sinabi pa ni Romero, tutulong siya sa Gymnastics Association of the Philippines upang humanap ng paraan na matulungan si Yulo na maipagpatuloy ang kanyang pagsasanay at palakasin pa ang kanyang support team gayundin ang pagtulong sa pamilya nito at maging ang pagtataguyod ng ‘community-based grassroots program’ para naman sa mga susunod na henerasyon ng gymnasts.

Tinawag naman ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes si Yulo bilang ‘Caloy Tambling’ na isang modelo para sa mga kabataan ngayon na karapat dapat na pamarisan.

“Carlos Edriel Yulo, ibibida kita sa mga apo ko at sa mga apo ng seniors sa buong bansa. Isa kang maningning na ehemplo para sa mga kabataang kinalakihan ang video games, Game of Thrones, Last Airbender, at superheroes sa video games, sine, at telebisyon,” ayon kay Ordanes.(Eralyn Prado)