Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Caloy Yulo paldo ng P255K, iba pa may POC pabuya rin

Pinakamalaki ang matatanggap na cash bonus ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo sa pagkakapanalo ng tigalawang ginto at pilak na medalya sa men’s artistic gymnastics ng Cambodia 32nd Southeast Asian Games sa ilalim ng Philippine Olympic Committee (POC) Athletes’ Incentive Trust Fund.

Siniwalat Huwebes ni POC president, Tagaytay City Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino na P12.40M ang ipapamahagi sa 260 atleta na mga nag-uwi ng 58 ginto, 85 pilak at 117 tansong medalya 11-nation, biennial sportsfest noong Mayo 5-17.

Mula ang P7.2M sa Manuel V. Pangilinan Sports Foundation (MVPSF) at ang P5.2M ay sa pondo ng POC.

“The athletes, particular the medalists, deserve the reward and the POC will always be diligent on that,” giit ni Tolentino, ang unang lider ng POC na nagpasimula ng trust fund para sa mga insentibo ng mga atleta na nanalo ng medalya sa mga internasyonal na kompetisyon.

Sa ilalim ng POC pabuya, P100K ang mapupunta sa individual gold medalist, P50K sa doubles at relay teams at P30K sa team; P50K sa silver medalist, P30,000 sa doubles at P20,000 sa relay; at P30K sa individual bronze medalist at P10K para sa doubles at relay.

“The amount is from the generosity of MVPSF, Manny V. Pangilinan, through the efforts of [president] Al Panlilio,” sey ng opisyal na siya ring president ng PhilCycling.

Si Pangilinan ang chairman ng board of trustees ng MVPSF, na pinamumunuan ng pangulo nitong si Panlilio, na siya ring unang bise presidente ng POC.

Aabot sa P255K ang maisusubi ni Yulo. Hiwalay pa sa government incentives o ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga medalist athlete sa ilalim ng Republic Act 10699 o National athletes and coaches Benefits and incentives Act.

Ang ginto sa SEA Games ay may P300K, sa silver ay P150K at sa bronze ay P60K.

Nanalo ang two-time world champ gymnst sa all-around at parallel bars at at pumangalawa sa rings at sa artistic team kasama ang limang kakampi.

Pero si Jasmine Alkhaldi ang nakakuha ng pinakamaraming medalya – tigatlong pilak at tanso sa Cambodia.

(Lito Oredo)