Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Claire aminadong may topak

Inamin ng Kapuso Breakout Star at Pantasya ng Bayan na si Claire Castro na nakatulong ang kanyang “topak” kaya napaganda niya ang kanyang performance bilang ang obsessive na si Cielo sa Nagbabagang Luha.

Sa naganap na Zoom interview kay Claire, inamin nito na marami raw siyang kinikimkim na emotions kaya naging excuse ang pagganap niya bilang Cielo para mailabas ang mga matagal nang tinatago niyang emotions.

“Sabi nga ni daddy (Diego Castro), pareho raw kaming may topak kaya may pinagmanahan daw ako. Dahil sa topak ko, kaya nakabuo ako ng character in Cielo.

“Tahimik lang po kasi ako. Even if I feel something na kailangan kong isigaw, hindi ko po ginagawa ‘yon. Kaya nakahanap ako ng outlet para mailabas ang mga matagal nang nakatagong emotions sa sarili and that is through the character of Cielo. Kung kailangang kong isigaw ang ilang lines sa dialogues ko, I do it para mailabas ko lang ‘yung mga nararamdaman ko,” sey ni Claire.

Kasama na siguro sa mga tinatagong emosyon ni Claire ay ang matagal na wala siyang communication sa kanyang ina, ang former TGIS member na si Raven Villanueva.

Inamin ni Claire na matagal na raw silang hindi nagkakausap ng kanyang ina na nakatira sa ibang bansa.

“I would love to know how she’s doing. Hindi ko po alam kung napanood niya ang Nagbabagang Luha kasi matagal na po kaming walang communication. But I would like to reach out to her. One day, I hope na magkausap din kami.” (Ruel Mendoza)