Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Dagdag-buwis, utang pa more nasilip sa Maharlika Fund

Nagbabala ang dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) deputy governor na si Diwa Guinigundo na posibleng magkaroon ng mga karagdagang buwis at mas lumaki pa ang utang ng Pilipinas dahil sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa panayam `The Source’ sa CNN Philippines nitong Miyerkoles, Mayo 31, sinabi ni Guinigundo na malaki ang pangangailangan ng gobyerno upang mapunan ang problemang pinansyal ng bansa.

Ayon kay Guinigundo, sa halip na tugunan ang problema sa mataas na kakulangan ng pondo at lumalaking utang ng gobyerno ay baka lalo pa itong lumala dahil sa MIF.

Naniniwala si Guinigundo na hindi napapanahon ang MIF dahil sa pabagu-bagong sitwasyon ng ekonomiya sa loob ng bansa at sa buong mundo.