Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Donaire: Pacman mahirap pantayan

ISA si Nonito Donaire Jr. na de-kalibreng propesyonal na boksingero ng Pilipinas sa kasalukuyan dahil sa pagreretiro ni legend Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Pero ayon nitong Sabado sa ‘The Filipino Flash’, ‘di basta mapapantayan o tibagin ninuman ang naabot ng Pambaansang Kamao bilang tanging eight division world men’s pro boxing champion.

“It’s really difficult for a fighter to do what he did,” anang 38-anyos na tubong Bohol pero residente na ng United States at four-division world titlist.

Bukod sa mga titulo, malaki rin ang respeto ni Donaire sa pinakitang tapang ni Pacman,42, na namaalam na sa boksing sa kaagahan ng buwang ito para pumalaot sa mundo ng pulitika sa Mayo 9, 2022.

“And it just shows where he wants to be, the passion that he has for whatever he wants to do next. To be courageous enough to say the things he did, you have to respect that,” panapos na sambit ng boxer.

Nakatakdang makaupakan ni Donaire (41-6, 27 KO) ang kapwa Pinoy na si World Boxing Council interim bantamweight champion Reymart Gaballo (24-0, 20 KO) sa Disyembre 11, l. (Aivan Denzel Episcope)