Tanong ng netizen kay Ellen Adarna, “Can you see yourself that you and Derek (Ramsay) maghiwalay? Just curious.”
Aniya, ang makakapaghiwalay lang daw sa kanila ay “cheating.”
“If he doesn’t cheat Day, no. Cheating lang gyud is a deal breaker for me and that’s it. If he doesn’t, no, forever,” aniya.
Magmula nang ikasal ang celebrity couple, sinusundan na ng mga netizen ang kanilang love story .
Whirlwind romance kasi ang nangyari sa kanila kung saan agad ding nagpakasal nang hindi pa nagtatagal ang pagiging boyfriend/girlfriend. kaya marami ang nag-aabang kung magsasama ba sila nang matagal o panandalian lang ang pagsasama.
November, 2021 nang ikasal ang mag-asawa.
Hanggang ngayon ay hindi pa nila nababalitaang nag-away ang mag-asawa.
Katunayan, lalo yatang tumitibay ang kanilang samahan.
Sinusundan ng Marites ang mga posted video at photo ng mag-asawa.
Wala silang makitang senyales na maghihiwalay sina Ellen at Derek.
(Beth Gelena)