Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Gustong maglaho muna si Jak… Barbie dinidiktahan ng mga fan nila ni David

May isyu pala sa NAIA airport sa pagbabalik nina Barbie Forteza at David Licauco mula sa South Korea kunsaan ay ilang araw silang nag-shooting para sa pelikula nilang ‘That Kind of Love’.

May ilang BarDa (Barbie and David) fans na hindi natuwa nang salubungin ni Jak Roberto ang girlfriend na si Barbie.

Ayaw tanggapin ng ilang BarDa fans na baka pinakiusapan ng parents ni Barbie si Jak na salubungin sa airport ang dalaga dahil hindi nila kayang magbiyahe (malayo ang bahay nila sa airport). Ayun, may mga nagalit na fans at si Barbie ang binabakbakan, huh!

Bakit daw pumapayag si Barbie na umeksena si Jak gayung alam niyang may ipino-promote silang movie ni David?

Sabi pa, kasalanan daw ni Barbie kapag hindi kumita ang movie nila ni David dahil nasisira ang ilusyon nila (at pag-asa) na balang araw ay magkaroon ng relasyon ang dalawa.

Pati nga ang pagyakapan nina Jak at David nang magkita sa airport na na-video-han ng fans ni David ay hindi rin nagustuhan ng ilang BarDa fans.

So, ano ba ang gusto nila na ginawa ng dalawa?

Nilinaw naman nina Barbie at David na nagtatrabaho sila para matuwa ang ibang BarDa fans na naiintindihan ang estado nila as love team.

Alam naman nating lahat na matagal na ang relasyon ng dalaga kay Jak bago pa sumikat ang love team nina Barbie at David dahil sa series na ‘Maria Clara at Ibarra” ng GMA-7.

Very open naman si Barbie noon pa na may boyfriend na siya at dahil sa ilang selosang BarDa fans ay hindi na sila masyadong makapag-post ni Jak ng mga gusto nilang i-post.

Eh, kung ang iba nga ay nili-limit ang puwedeng mag-comment sa comment section ng kanilang social media accounts, ino-off na lang nila Barbie at Jak ang comment section ng kanilang Instagram kapag sila’y nagpo-post na magkasama.

May nag-akusa pa kay Barbie na puro fan service ang sweetness na ipinapakita kay David dahil bumabalik din siya kay Jak na natural lang naman dahil boyfriend nga niya ito.

Pero tama ang isang fan ni Barbie na sinabing sa halip na magalit sa dalaga, dapat unawain pa ito dahil lahat naman ay ginagawa nito para mapasaya ang BarDa fans nila ni David, pati na rin ang JakBie fans nila ni Jak.

Hindi pa nga naman nagsisimula ang promo ng movie nina Barbie at David at gagawin pa lang ng dalawa ang teleseryeng ‘Pulang Araw’, aba heto’t nagkakagulo na.

So, paano pa kapag promo time na? Kailangan bang magtago muna si Jak habang nagpu-promote sina Barbie at David?

Ganoon ba ang gusto nila? Nakakaloka lang!