Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

 Jacob Cortez, Red  Lions liyamado kontra Cardinals

Mga laro ngayon

(Filoil Ecooil Centre-San Juan)

2 pm – JRU vs CSB

4pm – SBU vs MU

Muling kakamada si Jacob Cortez para sa San Beda University sa misyong makuha ang liderato gaya ng katuos na Mapua University sa 99th NCAA seniors basketball tournament elims ngayon (Biyernes) sa Filoil Ecooil Arena sa San Juan.

Nagsalansan siya ng 16 points, 5 assist, 4 rebounds at 2 steals nang sakmalin ng Red Lions ang Arellano University noong Martes, 85-61 ng Martes Pang-apat sa nakaraang taon ang Mendiola-based dribblers..

Inaasahan ang pasiklaban nila ni Clint Escamis sa alas-4:00 ng hapon. Ang huli ang na instrumento naman ng Cardinals nang paamuin ang San Sebastian College Recoletos nu’ng Sept. 26, 80-70.

Pumangpito ang mga basketbolista ng Muralla sa nagdaang edisyon ng liga.

Sa alas-2:00 ng hapon, magpapang-abot ang Jose Rizal University (1-0)-College of Saint Benilde (0-1).