Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Jaja buwenas sa unang salang

Wagi ang unang laro sa pagbabalik Japan V.League ni volleybelle Jaja Santiago matapos tulungan ang Aego Medics na pabagsakin ang Okayama Seagulls, 28-30, 26-24, 23-25, 25-13, 15-11 nitong Sabado sa Kasaoka Gymnasium.

Umiskor si Jaja ng 13 attacks at 4 blocks at pinaandar ang kanyang makinarya sa ika-apat na season sa Japan.

Bukod kay Santiago, humarabas din ang teammate niyang si Yuka Sato matapos tumirada ng 38 spikes, 1 block at 1 service ace upang ipanalo ang champion team na Ageo Medics.

Magugunitang bago umuwi si Jaja sa ‘Pinas at maglaro sa 2021 PVL Open Conference ay naipanalo rin niya ang Ageo noong Marso.

Sa katunayan ay inalok ito ng kanyang management ng naturalization. (Aivan Episcope)