Philippines

Jema handang magpagamit

Hindi maitatangging isa si Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza sa mahusay na volleybelle sa ‘Pinas.

Hindi siya nakapagbulsa ng kampeonato sa college career niya sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) o nang nasa Adamson Lady Falcons pa. Pero nakakatatlo naman na siya sa semi-pro Premier Volleyball League (PVL).

Kaya naman sakaling dumating ang panahon na kailanganin siya sa National Team, hindi magdadalawang-isip ang 23-taong-gulang, may taas na 5-3 at tubong San Pedro City, na magsuot ng jersey para katawanin ang bansa sa international competitions.

Inamin kamakalawa ng balibolista sa ‘Athlete’s Tribune’ ang interes niyang makapaglaro sa PH squad.

Ayon sa dalaga’y ibang level kapag international ang nakakatunggali kaya kung may tryout magbabakasakali para sa tsansang makapaglingkod siya sa bayan. (Aivan Denzel Episcope)

Football news:

Mourinho on bale: Happy and professional, but not ready yet. I hope he returns after a break for the national teams
Lukaku caught up with Ronaldo in the list of Serie A scorers, scoring twice against Benevento. Forwards have 3 goals
Schalke was led by former Augsburg coach Baum. Naldo joined his staff
Lukaku scored Benevento in the 28th second. This is Inter's record in Serie A for collecting statistics
Karl-Heinz Rummenigge: Xabi Alonso is an Interesting coach for Bayern. He's a great guy
Van de Beek's agent: Donny is happy at Manchester United. Svart spoke as a mentor and adviser, this is his personal opinion
The test passes a medical examination in Barcelona. He will almost certainly sign a contract. Koeman on defender