Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Jeric bet magkaayos sina Kylie, Aljur

Nagpapasalamat si Jeric Raval sa pagbasag ng katahimikan ni Aljur Abrenica. Nalinis daw niya ang pangalan ng kanyang anak na si AJ Raval sa akusasyong third party at home wrecker.

Ayon kay Jeric, wala naman kasing magulang na gustong mapunta sa ganu’ng posisyon ang anak.

Matatandaan ngang si AJ ang naiturong dahilan ng paghihiwalay nina Aljur at Kylie Padilla nang malantad na nanliligaw ang aktor sa anak ni Jeric.

“Salamat naman at nagsalita naman siya (Aljur) at hindi naman third party ang anak ko,” wika ni Jeric sa panayam ni MJ Marfori the other day.

“Du’n sa relasyon nila, wala naman akong masamang tinapay du’n. Ang sa akin lang, iayos ang lahat,” dagdag pa ni Jeric.

Sinabi rin ng action star na hangad pa rin niya na maayos nina Aljur at Kylie ang problema ng mga ito.

“Ako naman, ang wish ko lang kina Aljur eh sana, mabuo ang pamilya niya, maiayos niya ang pamilya niya. ‘Yun lang naman,” ani Jeric.

When asked kung aprub ba siya kay Aljur para kay AJ, ayon kay Jeric ay hindi naman saklaw ng mga magulang ang buhay pag-ibig ng mga anak lalo na kung nasa edad na ang mga ito.

“Pagdating sa ganyan, ‘yung mga buhay pag-ibig ng mga anak-anak natin, hindi na natin saklaw ‘yan, eh. Halimbawa kahit ayaw ko, wala naman akong magagawa, matanda na ‘yung anak ko,” sey niya.

Pero ‘yung ate raw niya ay against na makipagrelasyon si AJ kay Aljur.

“’Yun namang kuya ko na nurse sa New York, ang sabi niya sa ate ko, ‘pabayaan mo na ‘yang pamangkin mo,’” pagbabahagi ni Jeric.

Celeste pahinga sa beuty pageant

Matapos manalo sa Miss Earth Philippines noong 2018, marami ang nagtatanong kung kailan daw ulit makikita sa pageantry world ang Fil-Italian beauty na si Celeste Cortesi.

Marami nga ang nag-akala na sasali siya nitong huling Miss Universe-Philippines. Naniniwala ang kanyang mga followers that she has got what it takes para maging Miss Universe.

Pero sa ngayon ay mukhang enjoying her life si Celeste base sa kanyang mga Instagram posts. She has found a new boyfriend after her short-lived romance with Kapamilya actor, Joseph Marco.

According to reports, nag-break sina Celeste at Joseph Marco last year. Ngayon ay may bago na silang pag-ibig base na rin sa mga IG posts nila.

Sa mga IG posts ni Celeste ay open naman siya sa kanyang bagong BF na si Matthew Custodio na isang football player. Mukhang happy and so much in-love sila with each other.

In one of her interviews, sinabi ni Celeste na gusto pa rin daw niyang sumali sa mga pageant and she’s just taking her time.

“I just wanna take my time to learn, to improve, to study, and once I am ready, my goal is to join another pageant,” sey ni Celeste.