Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Jhonnel Ababa puntirya ang pangalawang titulo sa PGT

Siyam na taon makaraang huling idaos ang Philippine Golf Tour, magbabalik ang Valley Golf South bilang punong abala ng country’s premier circuit, handang magkaloob nang mabigat na pagsubok sa mga mama ng tour sa ICTSI Valley Golf Challenge simula sa Hunyo 6 sa Antipolo, Rizal.

Dinomina ni Tony Lascuña ang grupo noong 2014 Tour edition, dinaig si Jhonnel Ababa ng pitong palo, pero matapos nun dehins na tumigil ang organizer Pilipinas Golf Tournaments, Inc. sa Valley, dito ginanap ang unang Ladies PGT tournament, na pinamayagpagan ni top amateur Rianne Mikhaela Malixi noong isang taon.

Ang rumorolyong Valley Golf South layout ang aktuiwal na nagsilbing unang lugar ng four-leg inaugurals noong 2009, pinagwagian ni Jay Bayron ang suportado ng International Container Terminal Services, Inc. na kampeonato.

Magsisilbing pang-anim na yugto ng 14th PGT 2023 ang nalalapit na P2M event makaraan ang two-leg Visayan swing sa Bacolod at Iloilo, Caliraya Springs leg sa Cavinti, Laguna, Luisita Championship sa Tarlac at ICTSI Villamor Philippine Masters sa Villamor noong isang linggo.

Tinuldukan ni Ababa ang matagal na tagtuyot sa titulo sa come-from-behind victory kina Joenard Rates at Dutch Guido Van Der Valk sa pukpukang labanan na inabot hanggang sa huling butas, na inaasahan uli sa Valley, pinananatiling nasa porma ng pangkampeonato buong taon, makitid, gumugulong ang lupain, mahanging batis at may malambot, makintab na ibabaw.

Down-to-the-wire battle rin ang nasisilip sa LPGT side na rito’y misyon ni Harmie Nicole Constantino ang pangatlong tagumpay matapos ang pares na eksplosibong pagbalikwas sa Luisita at Villamor.

Samantala, mga piling crew ng mga pro sa men’s at ladies ang mga unang tatasa sa par-72 South course pagsiklab ng traditional pro-am tournament sa Lunes (Hunyo 5).

Lumiban si Lascuña sa PH Masters upang sumabak sa Taiwan, pero inaasahang babaik ng Valley, kasama sina last week’s absentees Clyde Mondilla, Lloyd Go, Angelo Que at iba pa.

Na nagpahigpit sa Valley roster, na tatrangkuhan nina Ababa, Rates at Van Der Valk. Malamang na kumasa rin para sa titulo sina Bayron, Keanu Jahns, Reymon Jaraula, Fidel Concepcion, Nilo Salahog, Marvin Dumandan at Francisco ‘Frankie’Miñoza at Koreans Min Seong Kim at Hyun Ho Rho.

Gigil na sasawata kay Cosntatnnio sina Chihiro Ikeda, Daniella Uy, Sarah Ababa, Pamela Mariano, Florence Bisera, Gretchen Villacencio, Monica Mandario, Rev Alcantara at Korean Seoyun Kim.

(Ramil Cruz)