Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Kampo ni De Lima ipapalusaw hirit ng DOJ sa drug case

Hihilingin ng kampo ni Leila de Lima na ibasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang motion for reconsideration na inihain ng mga prosecutor kaugnay sa pangalawang drug case laban sa dating senador kung saan pinawalang-sala ito ng hukuman.

Ayon kay Atty. Boni Tacardon, abogado ni De Lima, tapos na ang paglilitis sa kasong kriminal kung kaya’t maghahain sila ng mosyon upang ipabasura sa korte ang motion for reconsideration na inihain ng mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ).

“Nothing short of a Supreme Court decision reopening the case can vest the judge with jurisdiction anew to alter a judgment of acquittal which is final and executory immediately, hence unappealable, whether by MR with the trial court or appeal to a higher court,” pahayag ng kampo ni De Lima.

Matatandaang inabsuwelto ng Muntinlupa RTC noong Mayo 12, 2023 ang dating senador sa pangalawang kaso laban sa kanya na may kinalaman sa umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na droga sa New Bilibid Prison. Ito’y matapos na bawiin ng pangunahing testigo na si dating Bureau of Corrections deputy director Rafael Ragos ang kanyang testimonya laban kay De Lima.

(Betchai Julian)