Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Kapalit ni Degamo, nategi

Namatay dahil sa sakit si Negros Oriental Governor Jorge Carlo Joan “Guido” Reyes, ang pumalit sa pinaslang na gobernador ng lalawigan na si Roel Degamo, ayon sa inilabas na ulat ng Negros Oriental provincial government kahapon.

Ayon kay Negros Oriental Provincial Adminsitrator Karen Molas, nasawi si Gov. Reyes sa iniindang karamdamam, hindi naman na pinalawig pa ni Molas kung ano ang naging sakit ni Reyes.

Ayon pa kay Molas, nakatanggap siya ng tawag mula sa anak ng gobernador at kinumpirma nito ang pagkamatay ng ama, Miyerkules ng umaga.

Matatandaang si Reyes, na nahalal bilang bise gobernador ng Negros Oriental nitong May 2022 election, ay naging gobernador ng lalawigan matapos ang pamamaslang kay Degamo noong Marso 4, 2023.

Noong 2010, namatay din si Negros oriental Gov. Emilio Macias II, ilang linggo matapos itong mahalal bilang gobernador, pumalit sa puwesto ni Macias si vice governor Agustin Percides subalit namatay din.

Ang pagkamatay nina Macias at Percides ng panahon iyon ay naging daan upang maging gobernador si Degamo. (Edwin Balasa)