Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Kevin Quiambao, Green Archers sulong sa Final 4

Sa angas ni Kevin Quiambao, diretso na sa semifinals ng 11th PBA D-League Aspirants Cup ang EcoOil-De La Salle.

Humarabas siya ng 28 points, 13 rebounds at nilampaso ng Green Archers ang Wangs Basketball@27 Striker-Letran 102-79 sa Ynares Sports Arena sa Pasig Huwebes ng gabi.

Kayod agad mula opening tipoff ang La Salle, abante 27-19 pagkatapos ng first quarter at 55-34 sa halftime, hindi na pinaporma ang Knights.

Dumistansiya hanggang 25 ang mga taga-Taft, nagamit lahat ang 14 players sa roster at umiskor. May 10 points si Prince Arao, 8 points, 4 assists, 5 steals kay Mark Nonoy.

Namuno sa Knights ang 21 points ni Kurt Reyson at 16 ni Kobe Bryan Monje.

Kumpleto na ang cast ng playoffs, maghihintay sa final four ang No. 1 Marinerong Pilipino-San Beda (5-1), No. 2 ang DLSU (5-1).

Magkakabuhol sa 3-3 ang Letran, Perpetual at CEU pero nagkatalo sa quotient. No. 3 ang Knights (3-3), No. 4 ang Perpetual (3-3), No. 5 ang CEU (3-3) at No. 6 ang newcomer PSP (2-4).

Konsuwelo ng three-peat NCAA champion Letran, twice-to-beat pa rin sila sa quarters laban sa Scorpions tulad din ng Altas laban sa Gymers.

Umpisa ng bakbakan sa June 6 sa Paco Arena.

(Vladi Eduarte)