Simula nang maging Kapamilya noong 2022, magkasunod na agad na TV show ang naibibigay kay Kim Rodriguez. Una siyang napanood sa ‘Mars Ravelo’s Darna’ at nasundan agad ng digital series na ‘Love Bites’ season 2.
Kaya naman masayang-masaya si Kim though aminado naman siyang may pressure pa rin talaga sa kanya lalo pa nga’t dito sa ‘Love Bites’ ay first time niyang nakatrabaho ang cast kabilang na ang leading man niyang si Ian Pangilinan.
Ayon kay Kim, napakarami raw niyang natutunan sa pag-arte since naging Kapamilya siya at looking forward siya sa mas marami pang proyekto kung saan ay maipapakita pa niya ang kanyang mga natutunan.
In fairness, sexy na ay magaling pang umarte si Kim, ha!
Samantala, marami ang nagtatanong kung sino ang dine-date ngayon ni Kim since wala siyang naipo-post sa kanyang social media account na may kasamang special someone.
Sa isang panayam ay nabanggit nga niyang hindi naman daw siya nagmamadali na magkaroon ng love life at sa ngayon ay naka-focus daw siya talaga sa kanyang career. (Vinia Vivar)