Nakatutuwa ang kuwento ni Kim Chiu sa kanyang first monthly period when she was in Grade VI.
Napag-usapan ito sa bonggang media launch ni Chinita Princess bilang pinakabagong ambassador ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners held last Wednesday at Luxent Hotel.
Aniya ay sa school daw siya unang ‘dinatnan’ at naka-uniform pa siya.
“Ano ‘yun, grade VI, tapos naka-school uniform. Tapos pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko sa likod. Tapos tawa sila nang tawa. Sabi ko, ‘bakit? Ano nangyayari?’ Tapos, ayun na nga,” pagre-recall ni Kim.
Pagkatapos daw nito ay nag-iiyak siya sa comfort room at sa sobrang hiya ay matagal siyang hindi pumasok sa school.
“Iyak ako nang iyak sa CR, hindi na ako lumalabas. Tapos, hindi ako pumasok sa school ng mga 2 linggo,” tsika niya.
“Hindi ko talaga alam kung paano i-handle (ang first menstruation),” dagdag pa niya.
Kaya natuwa rin daw siya sa advocacy ng Megasoft Hygienic Products Vice President nito na si Ms. Aileen Choi-Go para matulungan ang mga dalagitang dumadaan sa first menstrual period at hindi pa alam kung paano i-handle.
Normal na sa babae na kapag may buwanang dalaw ay may mga mood swings at aminado si Kim na ganu’n din siya at idinadaan na lang daw niya sa pagkain. Kaya nga ang boyfriend niyang si Xian Lim ay sanay na sa kanya pag may period siya.
“Alam na niya ‘yun, la-lie low na siya, ‘andiyan na ba? Mainit na naman ulo mo’ ganyan-ganyan,” natatawang kuwento ni Kim.
(Vinia Vivar)