Philippines

Korina nagpaalam na sa Dos

Dahil lilipat na nga sa TV 5 ang kanyang Rated K, nagpaalam at nagpasalamat na officially si Korina Sanchez sa 3 dekadang pamamalagi niya sa ABS-CBN.

Sa pamamagitan ng kanyang mahabang post sa Instagram, ipinahayag ng batikang broadcast journalist na saan man siya naroroon ngayon, mananatili siyang produkto ng ABS-CBN.

“Wherever I am now and wherever I’ll be, I am and will always be, hugely, a product of ABSCBN. From 23 years old (practically just graduated from school) to just very recently, I was one of those very first on-air when the dictatorship toppled, democracy was restored and the network reopened in 1987. And till the day it shut down in 2020 I was still frontlining,” simula ni Korina.

Patuloy niya, “so many parts of the world I traveled, so many people I met and learned from, so many stories I was entrusted to tell, so many battles and even more memorable victories, so many opportunities to be of service to others — because of ABSCBN. My experiences, my knowledge, my exposure, my life grew with the network through more than 30 years working with the men and women who are ABSCBN. The Lopez Family and all my superiors from then till now had given me all the space to grow, contribute, make mistakes and then grow more.

“Napakaraming kwento, napakaraming eksena, away-bati, tampuhan, pagmamahalan, iyakan, sagarang trabahong walang tulugan, mga tawag sa principal’s office, mga medalyang sinabit sa leeg ko, mga litrato, mga video, mga programa…Napakaraming mga hindi na maikukuwentong censored na episode… Ito na ang naging buhay ko at ni sa hinagap di ko naisip na biglang mawawala. Sa ngayon.

“Pero never mawawala sa puso at isip ko ang ABSCBN. Hindi na ako magpapasalamat kasi kulang na kulang ang salitang “salamat” sa pagkakataong ito. Ganito nalang: hanggang sa muling pagkikita.”

Recently, ibinigay na ng ABS-CBN kay Korina ang Rated K kaya siya na ang producer nito ngayon na napapanood sa Facebook sa titulong Rated Korina.

As per latest news, mapapanood na rin ang Rated Korina sa TV5 as a block-timer program produced by Korina of course.

Vic never sinigawan si Pauleen

Sa kanyang IG account, ibinahagi ni Pauleen Luna-Sotto kung ano ang saloobin niya sa malaking age gap nila ng hubby na si Vic Sotto at kung anon’g klase itong asawa.

Pauleen is 31 now habang si Bossing ay 66 which means 35 years ang age gap nila.

“A few weeks ago, we were interviewed by Miss @luchicruzvaldes for her show. She asked me “How do you deal with the age gap?” I wasn’t able to give a good answer because i honestly do not feel the “gap” that we have,” ang bungad ni Pauleen.

“That afternoon, i thought hard about that question and i came up with an answer, a real answer. My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but i think the thing i love most about him is the amount of respect he gives me,” she continued.

Ni minsan daw ay hindi nagtaas ng boses sa kanya si Bossing at parating pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga.

“He respects my life decisions, he respects my room to grow and he respects me like an equal. Never did i hear my husband raise his voice and felt like i was younger and didn’t matter. I always felt validated. I always feel important around him.

“Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it’s one of the main reasons why this relationship is so easy,” pahayag ni Pauleen.

Sa patuloy na pagharap ng mga Pilipino sa pandemya, kailangan nila ng impormasyon para makapagdesisyon sa mga mahahalagang bagay sa kanilang buhay sa araw-araw, lalo na nga ang ating mga news personalities at mga taga-showbiz.

Kaya naman malaking tulong ang bagong public service app na Sharea na sasalansan sa mga datos at ilalapit din sila sa kanilang komunidad.

Mula sa pinagsamang salitang share at area ang Sharea app na nakapaghahatid ng mahahalagang impormasyon tulad ng mga anunsyo ng gobyerno, bakanteng trabaho, at mga aktibidad na na partikular sa pipiliing lugar o lokasyon ng gagamit nito.

Ibig sabihin, ang makikitang impormasyon ng gagamit nito ay para mismo sa kanyang kinabibilangang barangay o lungsod. Malaking tulong ito lalo na ngayong community quarantine para manatiling updated sa ganap sa komunidad maski hindi lumalabas ng bahay.

“Digital bayanihan” ang konsepto sa likod ng Sharea kung saan makatutulong ang bawat Pilipino sa isa’t isa na makadiskarte at magdesisyon sa pamamagitan ng palitan ng impormasyon, lalo na ngayong may pandemya.

Dito makikita ang mga impormasyon na mahalaga sa bawat pamayanan na maaaring hindi na umabot sa balita tulad ng mga raket, water o power interruptions, listahan ng bayad centers, listahan ng clinics na nagbibigay ng bakuna, at marami pang iba sa mismong mga barangay o lungsod.

Maaari rin tayong magbahagi ng ating sariling nalalaman tulad ng mga magandang bilihan, nakitang aksidente, o anumang payo na makatutulong sa kanyang kapwa sa Community Wall. Pwede rin gamitin ang app para makapagpadala ng mensahe sa isa’t isa.

Isa rin ito sa paraan para maiwasan ang pagkalat ng fake news dahil makasisiguro rin na totoo at lehitimo ang mga impormasyon dito na galing mismo sa mga opisyal na source.

Sa ngayon, karamihan sa mga impormasyon sa Bulletin Board ng Sharea ay para sa Marikina, Quezon City, at iba pang lungsod sa Metro Manila, ngunit nagsimula na ring bumuo ng komunidad ang maraming user sa kani-kanilang lugar.

Puwede nang i-download ang Beta version ng Sharea sa Google Playstore sa Sharea – Apps on Google Play.

Football news:

Ozil on not being included in Arsenal's Premier League bid: Very disappointed. Loyalty is rare today
Ronaldo has a bald haircut: Success is measured by the obstacles you overcome 😉 💪 🏽
UEFA on the European Premier League: She's bound to get bored. The Champions League is the best tournament in the world
Salzburg sold Holand and Minamino - and has already gathered new potential stars. The season started with 35 goals in 8 games
Sulscher twice outplayed Tuchel: first he mirrored the scheme (helped to contain), and then released Pogba in time (helped to add to the attack)
Barcelona - the first team to score for two 17-year-old players in a Champions League match
Atalanta's development has reached a crucial point: the club will soon turn into either Napoli or Roma. Miranchuk - a symbol of change