Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Lady fixer, kasabwat na empleyado ng LTO timbog

TIMBOG ang hinihinalang fixer ng mga lisensya maging ang kanyang kasabwat na taga-Land Transportation Office sa isinagawang entrapment operation ng Anti-Red Tape Authority at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group nitong Biyernes sa Las Piñas.

Sinabi sa report ng ARTA at CIDG, na isinagawa nila ang operasyon kasunod ng natanggap nilang intelligence report na may iligal na transaksyon sa tanggapan na pinangungunahan ng isang babaeng may-ari ng isang insurance firm.

Sinasabing may kontak sa loob ng LTO ang lady fixer at siya ang sinasabing support staff ng ahensya.

Dagdag sa report, tiniyak ng dalawa na papasa ang mga nais na baguhin ang non-professional driver’s license sa professional driver’s license.

Magbabayad lamang ng P4,500, kung saan mag-i-exam ang aplikante, ngunit sasabihin na hindi na ipapasa ang sagot dahil nasira ang computer. Minsan ay sasabihin na hindi na kaya kaya kalahati lang ng exam ang ipapasagot.

Kasunod nito ay ipapasa na ang mga ito. Ang tunay na halaga ng exam ay P425 lamang.

Nasakote ng LTO Las Piñas ang 59-anyos na lalaking staff ng LTO at ang babaeng suspek na 54 anyos.

Agad namang naghain ng show cause order ang ARTA kay LTO Las Piñas Chief Transportation Regulation Officer Joselito Luarca. Ito ay para ipaliwanag ang nangyayari umano sa opisina nito. (Kiko Cueto)