Philippines

LeBron, Lakers nganga sa Kings

IPINAKITA ng Sacramento Kings ang tunay na hari matapos nilang talupan ang tropa ni LeBron James na Los Angeles Lakers, 136-122, kahapon sa restart ng 2019-2020 NBA season sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Nganga ang tinaguriang ‘King James’ sa NBA nang magsanib puwersa sina Bogdan Bogdanovic at Buddy Hield para akbayan ang Sacramento at tapusin ang kanilang huling laro ngayon season na taas ang noo.

Kumana si Hield ng 28 points habang nag-ambag si Bogdanovic ng 27 puntos para ilista ang 31-41 record.

Pinilit na maglaro ni four-time Most Valuable Player (MVP) James kahit may iniindang injury pero kahit 100% pa siya ay wala siyang magagawa para ipanalo ang Lakers dahil sa ganda ng laro ng Kings.

“I think our guys are ready to get into that playoff environment,” hayag ni Lakers coach Frank Vogel.

“LeBron was able to get in, get a little bit of rhythm so he doesn’t have such a long layoff between games. So there were plenty of positives, but we certainly need to play better than today.”

Tumipa ng nakakahiyang 17 puntos si James para sa Lakers na mananatili sa tuktok ng Western Conference kapit ang 52-19 karta. (Elech Dawa)

Football news:

Barcelona's Interest in Isak Increased after Koeman's appointment. Larsson has a high opinion of the player (Mundo Seportivo)
Manuel Pellegrini: When you play against Real Madrid and var, it's too much
PSV and Porto are Interested in Barcelona midfielder PUC. He doesn't want to leave the club
Puyol about Barcelona: If we want to win the championship, we need to perform very well
Schalke sacked Wagner. The team has not won the Bundesliga since January
Iacini on 3:4 with Inter: Even a draw would be an unfair result, given how many chances Fiorentina created
Ramos Pro 3:2 with Betis: the Referee tried his best and didn't do anything intentionally