Ngayong pinasabog na ang balitang hiwalay na umano sina Liza Soberano at Enrique Gil, ang mayorya, ang taguri at turing sa babaing umaasa na bobongga ang kanyang estrella sa Hollywood, ay tila kinasusuklaman ng mga fan ni Enrique.
Sa tsikang pinaputok kasi, si Soberano ang tinuturong nakipaghiwalay kay Gil. Ang binata, handang magtiis at kayanin ang isang long distance na relasyon. Si Hope ang matapang na pinaghiwalay ang dekolor at puti nilang dalawa.
Ang balitang dahilan kaya suklam na suklam ang Team Quen , hook, line and sinker ba, dapat nating tanggaping lahat?
Wala namang masama kung nag-usap ang dalawang magsing-irog nang maayos kaya humantong sa hiwalayan. Kung priority man ni Soberano ang karera sa Amerika, dapat ba natin itong kapootan kung sakaling ang consequence nito ay kailangang matuldukan ang kanyang relasyon kay Enrique? Nagpapakatotoo lang si binibining Hope dahil nga hindi madaling dalhin at ipagpatuloy ang isang relasyong na magkaibang bahagi kayo ng mundo, hindi pareho ang oras, at kahit pa nga may modern means na para makapag-usap, ang daming love languages ang nasasakripisyo kapag ang distansya ay tunay na napakalayo.
Ang kaabang-abang, kung sino ang unang magsasabing totoo ang diumano’y chika na hiwalayan.
Kayo my dear Abante TONITE readers, team Liza Soberano o Team Enrique Gil na inyong paniniwalaaan at papanigan sa umano’y hiwalayang ito?