Philippines

Lopez, iba pa bahagi ng taekwondo team

INIHAYAG ng Philippine Taekwondo Association (PTA) Biyernes ng umaga ang opisyal nitong listahan ng mga pambansang atleta na sasagupa sa nalalapit na pagho-host ng Pilipinas sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games na magsisimula sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Mismong si national coach Igor Mella ang naghayag sa mga bubuo sa Men’s Kyorugi na sina Kurt Bryan Barbosa, Dex Ian Chavez, Kurt Pajuelas, Dave Cea, Samuel Thomas Morrison, Arven Alcantara at Kristopher Uy.

Sasabak naman sa women’s kyorugi sina Veronica Garces, Pauline Louise Lopez, Kirstie Elaine Alora, Baby Jessica Canabal, Realis Tabiando, Rheza Aragon, Laila Delo at Darlene Mae Arpon.

Ang Men’s Poomsae ay bubuuin nina Dustin Jacob Mella, Raphael Enrico Mella, Rodolfo Reyes, Jr., Jeordan Dominguez, Patrick King Perez, Darius Venerable at Marvin Mori.

Ang Women’s Poomsae ay kinabibilangan nina Juvenile Faye Crisostomo, Jocel Lyn Ninobla, Rinna Babanto, Janna Dominique Oilva at Aidaine Krishia Laxa.
Asam ng taekwondo jins na malampasan ang nakakadismayang kampanya nakaraang 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. (Lito Oredo)