Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Lumang motorsiklo hinirit sa 3-year validity ng rehistro

Umapela si 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez na isama na rin ang mga lumang motorsiklo sa ipinapatupad ng Land Transportation Office (LTO) na tatlong taong bisa o validity ng mga bagong motorsiklo sa bansa.

Sa Republic Act 4136 at RA 11032, ang mga motorsiklong may makina o engine displacement na 201cc pataas lamang ang binibigyan ng tatlong taong bisa ng initial registration sa LTO.

Ngunit matapos ang pag-aaral ng LTO, nagdesisyon na gawin na ring tatlong taon ang bisa ng rehistro sa mga motorsiklong may makina na 200cc pababa base sa inilabas na Memorandum Circular No. JMT-2023-2395.

Dahil dito, hiniling ni Gutierrez sa LTO na isama na rin ang mga lumang motorsiklo sa tatlong taong validity ng rehistro upang makabawas umano sa mga bayarin at abala sa mga rider.

“Isa pa, income generating din ito sa panig ng LTO dahil marami na ang hindi nagpaparehistro dahil sa kakulangan ng budget, lalo na `yung mga kagulong natin sa mga probinsya, pero kung papayagan sila sa napakagandang hakbanging ito ng LTO ay maraming lumang motorsiklo ang maiingganyo na magparehistro,” paliwanag pa ni Gutierrez.

(Eralyn Prado/Billy Begas)