Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Maharlika Investment Fund kapos sa proteksyon – Binay

Nagpaliwanag si Senador Nancy sa kanyang pag-abstain sa botohan ng Senado para sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill noong Miyerkoles, Mayo 31.

Isa si Binay sa mga nag-abtain sa botohan ng panukala. Labing-siyam na senador ang bumoto pabor sa MILF bill. Si Senador Risa Hontiveros ang nag-iisang bumoto ng “no” sa panukala habang absent naman sina Senate Minority Leader Aquilino `Koko’ Pimentel III, Sen. Francis `Chiz’ Escudero, at presidential sister Sen. Imee Marcos sa botohan.

Ayon kay Binay, hindi niya magawang bumoto pabor sa MIF bill dahil naniniwala siya na hindi ito ang tamang `gamot’ para sa bansa bukod sa magdudulot ito ng panganib sa nakararami higit pa sa makukuhang benepisyo.

“Sinuri po natin at tinimbang—ngunit sadyang kulang. Kapos ito sa mga batayang dapat magsusulong sa interes ng taumbayan, at magbibigay proteksyon sa pondo na dapat pangalagaan,” diin pa ng senador.

“For all these reasons, I decided to abstain while hoping that the MIF will live up to its claim as a tool for economic development. Let not the MIF be a `Big Mistake’,” sabi pa ni Binay.

(Dindo Matining)