Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Maine, JoWaPao, Allan, Ryan bumitiw sa Pamilya Jalosjos

Matapos ang pagre-resign nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa new management ng TAPE, Inc. last Wednesday, May 31, tuloy pa rin ang laban para sa Dabarkads.

Nagbukas sila ng Facebook page kahapon sa pangalang TVJ at sa description ay mababasang “this is the Official Facebook Page of Tito Sotto, Vic Sotto and Joey De Leon.”

Bagama’t wala pang verified check ang page, you’ll know na legit ito dahil mismong si Ryzza Mae Dizon ang nag-anunsyo ng bagong account sa kanyang Facebook page.

“Pls. follow po TVJ ang aming new page dabarkads. Thank you po,” ang announcement ni Ryzza.

May apat na post pa lang ang TVJ page as we write at kabilang sa inilabas nila ay ang resignation letter nina Ryzza Mae, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Jose Manalo and Allan K.

Ang nakasaad sa resignation letter dated May 31, 2023 ay ito: “Dear Mr. Jalosjos, dahil po sa mga nangyari, kami po ay magpapaalam na rin sa TAPE, Inc. ng pamilya Jalosjos simula ngayong araw, May 31, 2023” at sa ibaba ay may pirma ng mga nabanggit na hosts.

“Dabarkads FOREVER, saan man dalhin ng tadhana,” ang caption sa larawan ng liham.

Inilabas din ng TVJ page ang video kung saan ay mapapanood na nagdarasal ang buong Dabarkads kabilang na ang TVJ bago sila nagdesisyon na magpaalam sa TAPE, Inc. last Wednesday.

Nakasaad naman sa caption, “this is what happened before the decision. Believe in prayers.”

Maririnig sa video na nag-iiyakan ang ibang nasa silid habang nagdadasal.

Ilang oras pa lang na nagbubukas ang page, as we write ay mayroon na itong mahigit 56,000 followers.