Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Maymay nirampa ang ganda, palaban sa mga laitera

Palaban sa mga laitera si Maymay Entrata. Katunayan, may sagot siya sa toxic na beauty standards, at dinaan niya `yon sa pamamagitan ng single niyang “Amakabogera” mula Star Pop.

Ayon kay Maymay na hinirang ng netizens bilang bagong solo star ng P-pop movement, tungkol sa self-empowerment ang bago niyang kanta. “Lahat ng tao parang may iisang standard ng pagiging maganda depende sa kung ano ang uso o sinasabi ng lipunan. Itong ‘Amakabogera’ kanta tungkol sa pagiging confident sa kung sino ka sa kabila ng matataas na standards ng mundo,” sabi ni Maymay.

Paalala rin niya sa mga makikinig nito na ‘wag pagdudahan at ikumpara ang sarili sa iba.

“Maganda ka, unique ka, at malakas ka. ‘Wag mo hayaan na agawin ng mga standard nila ang korona mo.”

Isinulat ni Loriebelle Darunday at Elmar Jan Bolano ang kanta na siya ring nag-compose nito kasama si Justin Ian Catalan. Hinihikayat ng “Amakabogera” ang bawat isa na ‘wag matakot maging confident at yakapin ang sarili nilang ganda kahit ano man ang sabihin ng iba.

Si Star Pop head Rox Santos ang nagprodyus nito.

Bukod sa nakakaindak na beat at matapang na lyrics, maririnig din sa “Amakabogera” ang galing ni Maymay bilang singer, na nagpapatunay na isang siyang all-rounder na may dynamic na tunog at kakaibang artistry. (Dondon Sermino)