Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

NDRRMC: 15K sinalanta ni `Betty’

Pumalo na sa 15,000 ang bilang ng mga residente na apektado at lumikas sa kanilang mga bahay dahil sa bagyong Betty.

Sa ulat, sinabi ng NDRRMC na 14,908 na tao ang nagbakwit para matiyak ang seguridad kasabay ng malalakas na hangin at mga pag-ulang dala ni `Betty.’

Sa nasabing bilang, 5,361 ng inilikas ay mula sa Region 3, habang 5,282 ay lumikas ng kanilang bahay mula sa Region 6. Mayroon din na 1,652 na inilikas mula sa MIMAROPA.

Sa Region 2, ay 2,510 bilang ang nagbakwit, 42 mula sa Cordillera Administrative Region at 56 sa Ilocos Region. (Catherine Reyes)

See Related Story:

`Betty’ tumamlay; signal No. 2 pa sa ilang lugar