Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Nene inutusan sa tindahan, ni-rape slay

Malamig na bangkay na nang matagpuan ang batang babae sa bakanteng lote sa Barangay Gulang-Gulang, Lucena City nitong Miyerkules.

Ayon sa report ng Lucena PNP, isang residente ang nakadiskubre sa bangkay ng bata na nakabulagta sa damuhan sa gilid ng Meralco building alas-onse ng umaga.

Sa pagsisiyasat ng mga tuhan ng Lucena PNP, wala itong anumang saplot sa katawan at nakabusal ang bibig. Hinihinala ng pulisya na biktima ito ng pangagahasa bago pinatay at saka itinapon sa lugar.

Ang biktima ay positibo namang kinilala ng kanyang tatay na ito ang nawawalang anak at kanyang hinahanap mula Martes ng gabi.

Sa pahayag ng ama, galing ang kanilang pamilya sa Lucena City para dumalo sa pista sa isa nilang kamag-anak sa Barangay Gulang-Gulang at doon na rin sila nakitulog.

Ala-1:00 ng madaling araw nang utusan niya ang bata na bumili ng kape sa kalapit na tindahan subalit hindi na ito nakabalik.

Isinasailalim na sa pagsusuri ng SOCO ang biktima para malaman kung ano ang ikinamatay nito at kung ginahasa rin ito. (Ronilo Dagos)