Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

P7M shabu nasilat sa Cebuano

Arestado ang isang high value individual habang mahigit 1 kilo ng shabu ang nasamsam dito matapos ang buy bust operation ng pulisya Martes ng gabi sa Cebu City.

Kinilala ni Cebu City PNP Director Police Col. Josefino Ligan ang nadakip na si Ramil Cabajar, 34, residente ng Barangay Bonbon ng nabatid na lungsod. Nasa 1.075 kilo ng shabu naman o kabuuang P7.3 milyong halaga ang nasamsam dito.

Ayon kay Ligan, dating nakulong ang suspek subalit matagal na itong nakalaya at sa loob ng kulungan nito nakilala ang kanyang amo na hindi pa tinutukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan.

Bodegero at runner lang din ang papel ng nadakip na suspek subalit kaya din umano nitong makapag-dispose ng aabot sa 1 kilo ng shabu sa mga binabagsakan nitong Barangays Quiot, Hipodrimo, Guadalupe, Bonbon at Malubog, sa Cebu City.

Inamin din ng suspek na hindi umano niya kilala ang kanyang mga nakakatransaksyon sa iligal na droga at ang tanging komunikasyon nila ay sa pamamagitan ng cellphone.

Hindi rin umano niya kilala ang kanyang amo at sa telepono lang din dinadaan ang kanilang transaksyon.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagdakip sa sinasabing amo ng nadakip na suspek. (Edwin Balasa)